Sunday, May 30, 2010

LIMOT KO NA ANG KAHAPON ( my first stories published in OFW NGAYON) thanks to Mr. Vit Hernandez to make this happen...

Dearest Alvin,

First of all, I would like to say thank you sa early respond niyo sa e-mail ko. I’ll really appreciate it. Thank also to Mr. Vit Hernandez. I hope na magustuhan niyo ang story na batay sa tunay na buhay nang aking kaibigan na sadyang binago ang mga pangalan upang mapangalagaan ang kanilang karangalan. Ito po ang kanyang mga karanasan. Tawagin na lang natin siyang Nemia..
Matagal ko nang gustong ipadala ang story nang buhay ko dito sa Malaysia. Ang na buong love story, ang mga drama nang buhay ko at ang pakikibaka ko bilang isang Overseas Filipino Workers.
Maraming Pilipino ang nag tratrabaho dito almost 35,000 nuon yon’ year 1991 ngayon halos umaabot na lang nang halos 15,000.. Mga Pilipino at Pilipinang ang sadya’y maiahon sa kahirapan ang pamilyang iniwanan sa Pilipinas. Karamihan puro may pamilya na, may asawa’t mga anak sa Pilipinas. Pero pag dating dito ang daling makalimot, nag bubuhay dalaga’t binata.
Dahil sa kahirapan huminto ako sa pag aaral, nasa second year college na sana ako sa nursing sa De Ocampo school of Nursing sa Manila pero di kaya nang mga magulang ko na ipag patuloy ko pa ang aking pag aaral. Lima kaming magkakapatid at ako ang panganay. Tawagin mo na lang akong Nemia.
Isa ako sa mga tunay na dalaga nang pumunta rito. I’m still a virgin, may boyfriend akong iniwanan diyan sa Pilipinas na nangakong hihintayin ako, pagkatapos nang anin na buwan pag susulatan ay nakipagtanan sa dakila kong kaibigang, Si Lourdes, bestfriend ko, nasaktan ako, imagine 3 taon kaming naging mag nobyo at sa ilang sandali lang ay bigla akong pinalitan. Inisip ko na lang na siguro mas mabuti na yung nangyari at nalaman kong may karupukan pala siya at mahina sa tukso. Naging maayos ang buhay ko , mabait ang mga naging amo ko. Mag asawang may isang anak na tatlong taon. Nag tratrabaho sila bilang mga musician sa Malaysian Philharmonic Ochestra sa Petronas Towel nang KLCC sa Kuala Lumpur.

Mga masaleh o Expatriech kung tawagin sila dito dahil mga foreigner na may matatag na trabaho. Di nila ko tinuring na isang katulong, inunawa nilang bago ako sa lahat nang kapaligiran at upang malibang ay binigyan nila ko nang 2x day off day . Dito ko nakilala ang mga kaibigan ko, nalibang na rin ako sa kanila at laging naging ganado sa bawat oras ang trabaho ko.
Natutuwa na rin ang mga magulang ko sa San Fernando La Union dahil buwanan akong mag padala sa kanila nang sweldo ko. Sabi nila mag tira daw ako nang para sa sarili ko para pag umuwi ako ay may ron din akong sariling ipon. Maliit pa lang nuon ang minimum salary dito, umaabot pa lang nang U$ 200.00 or Rm. 420.00. Medyo maganda pa ang dating nang Kabuhayan sa Pilipinas, meaning hindi pa tayo masyadong bagsak, Year 1991 nang dumating at nagsimula akong mag trabaho dito.
Panganay ako sa limamg magkakapatid, Sa gulang na 21 nakapag abroad ako dahil noon madaling mag process nang mga dokumento. Di katulad ngayon na ubos na ang naipon mot kabuhayan ay di pa nakakalis ang gustong mag abroad, napepeke pa. Dahil napakaraming agency na di naman nakarehistro sa POEA.
Pag araw nang Sunday parang Divisoria ang Kuala Lumpur, puno ang simbahan nang Saint Jhon , May tagalog mass na para sa mga Pilipino at Pilipino priest din ang nagmimisa. May Pilipino food na puedeng pagpilian, may nag titinda nang kung ano ano, mula sa pampaganda hanggang sa mga iniinom nang na delay na regla. Ang gulo, ang ingay, sabi nga natural na raw sa mga Pilipino ang maingay at magulo. Parang piyesta parati nang Quiapo dahil sa dami nang nag daday off, Yan ang tanawin sa umaga sa saint Jhon Church, pag dating nang tanghali, nasa galaan na ang mga pinoy at pinay, kanya kanya na nang lakad, yung iba, nasa piling nang mga nobyo nila, yung iba nasa mga shopping mall,
Yong iba nasa mga fast food at nag papalipas nang oras, daldal dito daldal duon, wlang katapusan daldalan. Di naman lahat ay nagpapalipas nang oras sa walang katuturan, may mga Born again at ibat ibang sekta nang religion. May sambahan din para sa mga Iglesia ni Cristo.

Umatend ako nang Charistmatic noong una pero mas malakas ang hatak nang tukso, sa disco ako napadpad madalas at karoke. Dito ko natutuhang uminon nang pakonti konti. Makipagsayaw at makipag harutan sa mga lalake, makipag biruan at pumayag na hawak hawakan.
Dito ko rin nakilala si Steven Or Chan Yee Ming, isang Chinese businessman, mabait siya sa kin at magiliw, pogi, ( makalaglag panty sabi nga) at medyo mistiso. Half- european daw ang mother niya. Binilhan niya ko nang cellpone ( nuon ay napakamahal pa nang cellpone, at di pa masyadong marami ang mga gumagamit dahil di pa kaya nang mga pilipinong tratrabaho ang halaga at wala pa ring prepaid simcard. bukod sa wala pang prepaid ay kailangan I pang registered nang local resident. Kaya nga parang very proud ako at pakiramdam ko ay believe at naiingit sila sa kin dahil I”ll almost seven month pa lang pero may cp. na simula nuon ay naging regular caller ko na siya, mabait siya sa kin, pag day off ko ay sinusundo at hinahatid niya ko na lingib sa kaalaman nang mga amo ko. Sa kanya na umikot ang mundo ko simula noon, naging magnobyo kami nang walang ligawan, ni hindi ko rin matandaan na sinagot ko siya, basta ang alam ko masaya ko sa company niya at feeling princess, madalas niya kong dalhin sa mga shopping mall at ipamili nang personal things, puro branded pa.na tinatago ko naman sa mga amo ko dahil baka mag hinala sila kung saan ko kinukuha ang pera, I”ll make sure na nakatabi ang mga resibo, yun ang turo ni Steven sa kin para raw di ako mapaghinalaan na kumukupit nang pera sa kanila.Di rin niya ko ikinahihiyang ipakilala kung may masasalubong kaming kakilala niya, Tunay na nabihisan niya ko nang husto at pinag open account pa nang bank account. Nilagyan niya yon nang ten thousand ringit RM.10.000.at sinabi niyang pag may sobra kong pera ay ihuhulog ko don para in case na umuwi ako may dala akong perang ipasasalubong sa mga magulang ko at nang di naman daw ako mag mukhang kawawa.Pinakita pa niya sa kin yung Maycard niya na nag papatunay na binata siya. Ang saya saya ko talaga, pakiramdam ko, wala nang katapusan ang lahat nang ito. Isang tawag lang niya, tanggal na lahat nang pagod ko. Ganado ko mag trabaho at very inspired, sabi ko ako na yata ang pinaka maligayang tao sa mundo. “wow na wow talaga, yung feeling na di kayang ipaliwang…. Basta ganon, sabi nga nila in love daw talaga ako. Marami ang nag sabi sa kin na mag ingat, dahil sa abroad di totoong pag mamahal ang nandito kundi gagawin lang daw akong parausan ni steven, sabi ko naman iba siya sa mga lalakeng kilala niyo, ako ang kasama at girlfriend niya kaya ako nakakaalam nang damdamin niya, buong pagmamalaki ko pang parating sinasabi sa kanila, pati tuloy yung kaibigan kong si Joan na kasabay ko sa pag punta dito, ay naging makontra sa kin, sabi niya ex abroad siya at alam niya ang strategy nang mga lalake dito, sinasamantala nila yung homesick natin at pananabik sa pamilya kaya akala mo maamo silang tupa at mag babait baitan. Gusto lang nang mga free sex niyan. Yun ang madalas kong marinig sa kanila na nangingiti lang ako dahil si steven kahit kailan di nag take advantage sa kin, kaya smooth lang ako at tuloy tuloy sa mga maliligaya kong araw, hanggang sa nag sawa rin sila at tigilan na ko, basta ang sabi ni Jhoan, “ ang akin paalala lang” ganyan din ako nong araw. Maraming biktima dito, sana nga mag dilang anghel ka at sa simbahan ang tuloy niyo dahil sayang ka. Baka ma donselya ka lang dito.patuloy pa niyang salita sa akin.
Nahulog nang husto ang loob ko sa kanya at nararamdaman ko mahal na mahal ko na siya. kaya nang isang araw na dinala niya ko sa apartment niya sa Hilir Ampang condominium sa Ampang Jaya malapit sa KLCC ay di ako tumutol. Siyempre may nangyari, ang laking gulat niya nang matuklasan niyang birhen pa ko, di daw niya ko pababayaan. Natuwa naman ako dahil akala koy yayayain na niya kong pakasal. Naging regular na lang ang pagpunta naming duon at naging normal na lang ang lahat nang nagaganap.
Ganon pala yun, pag naumpisahan na, parang hinahanap na rin nang katawan ko. Ewan ko ba, hinahanap ko parati yung mgkasama kami, para

akong adik na di ko maintindihan. Sinabi niyang pag uwi ko nang pilipinas ay sasama siya sa kin dahil gusto niyang makilala ang mga magulang ko. Pero sinabi rin niyang wag kong sasabihin muna kahit kanino ang mga nang yayari sa amin dahil hindi pa siya handang mag asawa at mas magandang mag sawa muna kami sa buhay single. Sabi niya ang mga Chinese ay late mag asawa at di nagmamadali. Parati siyang

aktibo sa pag papainon sa kin nang Postinol (gamot after sex) para di raw magbunga dahil di pa kami handang maging magulang.
Masarap siya magmahal, siya ang naging inspirasyon ko kaya kahit minsan madalas ako mapuyat sa pag aalaga nang 3 years old na anak nang mga amo ko ay maganda parin ang pakiramdam ko. Madalas kasi na fast 2 P.M. na nang hatinggabi mag siuwi ang mga boss ko dahil pag kataptos nang kanilang concert ay kumakain pa silang mag kakaibigan.
Tunay na yatang di ako mabubuhay nang wala siya. Hinahanap ko na rin madalas ang mga yakap niya at mga halik, magaling siya sa kama, sa kanya ko natutuhan ang ibat ibang posisyon, kung ano ano ang pinagagawa niya sa kin to satisfy his need, dahil duon parang naging addicted na rin ako sa mga pinag gagawa niya sa kin, minsan natanong ko bat ganon parang bastos na,sabi naman niya natural lang daw yon sa mga nagmamahalan at mag nobyo, minsan bago kami mag sex panonoorin muna naming ang mga x-rated at sasabayan namin, madalas painumin niya muna ko nang capsule para daw maging active ang dugo ko sa pakikipag sex, Ewan ko kung pano ko nagagawa ang mga posisyong nakakadiri na kung minsan, pero sabi niya natural daw lang iyon, alam mo, Alvan , minsan maghapon kami sa pagtatalik, wala talaga siyang kasawaan, may iniinon siyang tabletas para di agad siya labasan, ang tawag yata run eh Viagra. Minsan halos di na ko ma ihi sa sakit nang ari ko, pag katapos naming mag sex halos paikaika na rin ako lumakad, grabe talaga, pero alam mo, ewan ko ba, napakasarap talaga, hinanap ko parati yun, kaya minsan natuto na rin ako tumakas sa mga boss ko pag nasa out of station sila. Ang buong akala nila ako pa rin si Nemia na mapag kakatiwalaan at ubod nang bait. Nang dahil sa pagkahibang at pag mamahal ay nagagawa kong lahat ang mga pinagagawa niya knowing na nawawala na lahat sa kin ang dignidad at kahihiyan. Pati respeto ko sa sarili, minsan pasasayawin niya muna ko nang hubot hubad sa harapan niya na parang isang professional dancer para raw mas ganahan siya, minsan itatali muna niya ko sa kamay at paa nang nakadipa at walang damit habang niroromansa, feeling rape scene daw, di naman niya ko sinasaktan nakatulad nang mga rape scene kaya lang pinag dadrama pa

niya ko na kunwari ay tatakbo at hihingi nang tulong at mag mamakaawa sa kanya na huwag gawin yun. Nang dahil sa sobrang pagmamahal ay di ko nakikita ang mali, basta ang alam ko mababaliw ako sa sobrang kaligayahan na pinalalasap niya tuwing mag tatalik kami sa apartment niya.
Minsan sabi niya pag butihin ko raw ang gagawin naming dahil gusto niya may kaharap kaming kamera, sabi ko wag na yun dahil nakakahiya, sabi niya for soveneigner daw dahil sa amin lang dalawa yun. Nang umpisahan na niya ko romansahin, di ko na nagawang tumangi pa, pinainon din niya ko nang tabletas at pinagamit nang shabu kaya high na high ang feeling ko nang mga sandaling iyon, para daw maging maganda ang kinalabasan nang gagawin naming pagtatalik ( di ko alam na may kasama siyang dalawang lalake na siyang kumuha nang lahat nang eksena namin at nag papalit palit nang pag gamit sa akin. dahil sa kalasingan ko at shabu na pinagamit nila, di man malinaw alam kong na baboy ako nang husto, Kina umagahan ay masakit na masakit ang buong katawan ko, hilong hilo at hinang hina.
Sinita ko siya, sabi ko kahit malabo ang diwa ko alam ko na 3 silang nag halinhinan sa akin, sinabi niyang kaya daw ba niyang gawin iyon eh ako ang babaeng papakasalan niya, konting panahon na lng at uuwi na kami nang Pilipinas, at hihingin na rin niya kamay ko sa mga magulang ko. Tinanong ko rin sa kanya kung nasan yung ni record niyang video tape, sabi niya nasira daw at di na rin tinuloy ang mga pagkuha kaya medyo nakalma na rin ako at tumahimik.
Minsan nag paalam siyang malalayo nang destino, isang buwan kaming di nag kita halos mamatay matay ako sa pananabik sa kanya, Nang bumalik siya ay di ako pumayag na umalis siyang muli na di ako kasama. Nag run away ako at sumama sa kanya sa Johor Bahru. ( Ito ang boundary nang Singapore at Malaysia. Inireport ako nang mga amo ko sa agency na nag run away at sumama sa lalake, Di ko na alam ang tama at mali, alam kong na disappointed ang mga amo kong naging napakabait sa kin at alam kong maraming kaibigan ko ang huhusga sa lahat nang ginawa ko.Sa Johor baru boundary na ito nang Malaysia at Singapore tumira kami na parang mag asawa, umupa kami nang apartment at sinabi niyang kailangan ko pa ring mag trabaho para may ipadala sa mga magulang ko, Dahil bago pa lang ang bubuksan niyang business na Karoke bar. At kailangan niya nang malaking puhunan. Tapos na raw ang kontrata niya sa shipping lines at mag sosolo siya nang business sa ngayon. pinasok niya ko sa pabrika nang mga sardinas at pinagawa nang pekeng working permit, Maayos naman ang pag sasama naming at walang alam ang mga magulang ko sa nangyayari sa kin dito, sinabi ko sa kanilang lumipat na ko nang trabaho sa pabika at pinayagan naman ako nang mga amo ko. Naging smooth ang pagsasama namin ni Steven, kasal na lang ang kulang sa amin at patuloy naman niyang ipinangangako iyon na pag maayos na raw ang negosyo ay uuwi kami nang sabay at mag papakasal sa Pilipinas.
Tumawag ako sa mga amo ko at humingi nang kapatawaran sa pinag gagawa ko sinabi nilang pag isipan kong mabuti ang mga ginawa ko at sanay makilala nila ang lalakeng sinamahan ko para anot anuman ang mangyari ay puede nila kong puntahan. Sinabi ko kay Steven na gusto siyang makilala nang mga amo ko pero nagalit siya at sinabing sa susunod bago ako makipag usap kung kani kanino ay ipapaalam ko muna sa kanya at wag akong mag dedesisyon nang di niya nalalaman. Isang araw sinabi sa kin ni Steven na nalulugi ang negosyo niya at kailangan niya nang pera. Pina kuha niya sa kin ang naiipon ko sa Banco kasama nang una niyang idiniposit, umabot nang RM.3000.00 or P45.000.00 peso ang lahat, kinuha niya at may pag gagamitan daw siya.
Di doon natapos ang pang hingi niya nang pera, sinabi niyang di maganda ang location at di matao, kaya kailangan pumili nang mas magandang lugar at ako ang sinisisi niya dahil kung di daw ako nag sasama sa kanya ay maayos ang lahat. Tunay na nag bago na siya at di na umuuwi sa oras, nawala na rin ang mga paglalambing niya at kung umuwi man ay nag tatanong na lang kung may pagkain o pera ako. Pag nasa bahay siya madalas pa rin niyang ipalasap ang mga romansang na papalimot sa lahat nang katinuan ko at naiipong sama nang loob ko sa kanya. patuloy pa rin akong nabubulagan at umaasang muling magiging maayos ang lahat. Minsan sinabi niyang pupunta siya nang Thailand at may kakausapin para sa bubuksang business upang muli kaming makaahon, Kinausap niya ang manedyer nang pabrikang pinag tratrabahuan ko at kinuha ang 5 buwang

suweldo ko para may maibaon siyang pera papuntang Thailand. Bulag ang pag ibig ko sa kanya kaya di ko na alam kung ano ang tama at mali, pumayag ako at di ko namamalayang nawawalan na pala ko nang panahon sulatan o tawagan man lang ang pamilya ko. Sumulat si nanay at sinabing kailangan nang mag enroll nang mga kapatid ko. Alam nilang may naiitabi kong pera sa Banco dahil di naman kalakihan kung mag padala ko monthly. Bigla di ko alam ang isasagot ko, kinausap ko ang manedyer nang pabrika at umuutang ako nang konting halaga kahit na Rm. 300.00 lang para di naman mag alala ng labis ang mga magulang at kapatid ko.Di ako pinautang dahil malaki na raw ang kinuhang cash advance ni Steven. at wala akong sasahurin sa loob nng 5 buwan.
Napilitan akong ibenta ang mga alahas kong natitira para lang may maipadala. 3 month na pero di pa rin bumabalik si Steven at sinisingil na rin ako nang inuupahan naming apartment, napilitan akong iwanan ang apartment nang di dumating si Steven sa pang apat na buwan, ni sulat at tawag ay wala kong natangap sa kanya. Lumipat ako sa isang maliit na kuwarto na pag aari nang isang pilipinang may asawang indiyan at may maliit na restaurant sa ibaba. Naawa siya sa kin at sinabi niyang idilat ko ang mga mata ko, Para maisalba ang sarili sa pagkain nag partime ako sa kanilang restaurant sa gabi, pagkatapos nang oras ko sa pagtratrabaho sa pabrika,
Dumating si Steven sa ika limang buwan at nag sorry sa kin,naging busy daw siya sa new project nila at halos walang time para tawagan ako. Pag naging maayos daw ang lahat ay babalik na kami sa normal at magpapakasal na. Labis akong natuwa at nakalimutan ang lahat nang hinanakit sa kanya. Binayaran niya ang utang ko at binigyan pa niya ko nang konting halaga para maipada sa mga magulang ko.Sinabi rin niyang sa pabrika na lang ako matutulog para makatipid kami at makaipon uli katulad nang dati. Pilitin daw niyang makauwi every month para di ako masyadong mainip, kailangan daw naming mag tiis dahil malapit na kaming mag pakasal. Kaya kailangan niyang higit na mag sikap. Natuwa naman ako at naging inpired na uli sa lahat. Ang pabika ay may 20 kataong nagtrarabaho Pagawaan nang mga sardines at ibang de latang

pang export. Karamihan ay puro walang papel o proper document dahil umiiwas sa malaking babayaran sa imigration ang may ari.. Halos lahat ay come from Indonesia , Myanmar at Cambodia. ako lang ang pilipina Naging ganon ang takbo nang buhay ko. Sa pabrika na ko tumutuloy at pinupuntahan na lang niya ko minsan isang buwan pag umuuwi siya. Nag tiis na lang ako at umasang isang araw uuwi kami nang Pilipinas at magpapakasal.
Minsan , may nakilala kong pilipina at sinabi niya sa kin na pumunta kami at mamasyal sa Kuala Lumpur, sinabi kong peke ang working permit ko at run away ako, sabi niya wag akong mag alala at sagot niya ko dahil kasama namin ang nobyo niyang pulis, Sa madaling sabi sumama ako sa K.L. Tunay na nasabik talaga ko dahil matagal tagal din akong di nakakapunta sa Kuala Lumpur. Na meet ko ang mga dati kong kaibigan na ang buong akala ay umuwi na ko nang Pilipinas. Isang kaibigan ang bumati sa kin at kinumusta ko, Sinabi niyang madalas niyang makita si Steven sa Kotaraya at may kasamang pilipina. Halos na shock ako sa narinig ko, sinabi ko sa kanyang may relasyon pa rin kami ni Steven at nasa Thailand siya dahil nandon ang business niya. “ ang tanga mo naman”, ika niya, “hangang ngayon pa ba ay nag papakabaliw ka kay Steven, eh, di ka naman tutuluyan non noh!” , “May asawang chinese national din yan dito. yun tunay na asawa nga eh dinededma na lang siya at di pinapansin” “dahil sanay na sa pambabae at pag luluko niyan, katwiran nun pag nag sawa yan eh , sa kanya pa rin ang uwi”” ikaw kasi eh di ka man lang nag tanong basta ka na lang lumarga” eh, ngayon sawa na siya sa yo, di iba na naman ang pinuntirya.” At alam mo ba kung sino na naman ang kinakalantare?

“ yung bagong dating na pilipina si Cecille.
six month palang siya dito at bago pa lang din nag oof day, pero galing na yon nang Japan at least hindi na siguro siya kasing tangang katulad mo” pero winarningan na naming siya at bahala siya kung makikinig sa min o mag papakasira din na pareho mo”

“ halos matulig ako nang mga sandaling iyon, parang uminog lahat ang na paligid ko at kung di ako nakahawak sa lamesa ay baka bumagsak ako sa kinatatayuan ko.Sinabi pa niyang kung ayaw kong maniwala eh, pumunta ko sa apartment dati ni Steven dahil siguradong nandun ito kasama nang pilipinang kinalolokohan niya ngayon. Halos di ako makapaniwala sa lahat dahil alam kong matagal na niyang iniwan ang pag inupahang apartment simula nang lumipat kami nang Johor Baru,
Sumakay ako nang taxi at nagpahatid sa condominium unit na dati niyang tinutuluyan, I shock again dahil nakita ko sa garahe ang kotse niyang ginagamit na sabi niya sa kin ay binenta na niya dahil sa pagbagsak nang business niya, Sumakay ako nang lift papunta sa 21th floor, kung saan nandun ang dati niyang pad na madalas naming pag rausan nang aming pagmamahalan. Pag bukas nang elevator ay sila naman dalawa ang nasa bungad at pasakay nang lift. Yung pag labas ko naman ay papasok sila sa sa loob at akbay akbay niya si Cecille, Ang pilipinang kasalukuyang naloloko sa kanya at marahil ay pinagsasabihan din nang mga sweet words na madalas bigkasin sa kin.
Alvin, gumuho ang mundo ko nang mga sandaling iyon, Nagulat siya nang makita ako, pero di nag pahalata sa pilipina at agad agad na sinara ang lift at parang walang nangyari, bumaba din ako para sundan sila pero alikabok na lang nang kotse ang naabutan ko. Parang di ako makapaniwalang ganun lang kadaling pag takpan ang katotohanan ako ang nakita niya sa harapan niya, para bang sanay na sanay na siya sa ganong sitwasyon.
“ Masarap ang magmahal at mahalin din, pero masakit ang mabigo. Napakasakit pala kung iyong taong labis mong minahal, pinagtiwalaan at nilagay mo sa pinakamataas na antas nang pagkatao mo ang siya pang mananakit sa iyo.” “Totoo nga pala ang kasabihang: the more you love the more you hate”na gahibla lang lang ang pagitan nang pagmamahal at pag kasuklam.”
Nang mga sandaling iyo nang unos sa buhay ko wala akong makapitan, Para kong malulunod, sisinghap- singhap, di ko alam ang gagawin.

Masakit talaga, masakit na masakit. Lalo na’t makikita kong may kasama siyang iba at galing sa loob nang dati naming apartment. Ewan ko kung paano ko nakaya ang lahat, napakasakit talaga, Sabi nga iba ang sakit nang katawan sa sakit nang damdamin, totoo nga palang puso ang pinakasensitibong parte nang katawan nang tao, ramdan na ramdam ko ang tarak nang sakit. Di ko ito naramdaman sa naging boyfriend ko sa pilipinas, kahit na noon nabalitaan kong nag pakasal pa siya sa aking kaibigan. Siguro, di ko rin siya minahal nang labis na katulad nito. Nawalan ako nang malay at sa hospital na natauhan. Salamat na lang sa security nang condominium at agad niya kong natulungan nang nawalan ako nang malay tao, sa tulong nang ibang security guard doon ay nadala ako sa Ampang medical clinik, .sinabi nang doctor na nakunan ako, isa na naman pait, buntis pala ko nang lagay na yon na di ko man lang namalayan, ang buong akala koy na delay lang ang huling regla ko, dahil di ko na nga expected kung kalian siya darating sa pabrika para dalawin ako Kaya nawala na rin sa loob ko ang pag tatake nang contraceptive pills para maiwasan ang pag bubuntis. Ang kawawang baby ko na walang kasalanan ay nadamay sa lahat nang kahangalan ko. Pag labas ko nang hospital ay sumuko ako sa Philippine Embasy at pinatawad naman ako. Ganon pa man dumaan pa rin ako sa Malaysian imigration at nakulong nang anin na buwan dahil sa pag rurun away at pag peke sa working permit. Di ko na nakita si Steven mula noon, Ni hindi niya ako dinalaw sa kajang prison. Nabalitaan ko na lang na iniwan na niyang tuluyan ang apartment sa takot na makasuhan siya dahil sa ginawa niyang pag papatatak nang pekeng dokumento sa aking passport. . Iniwan na rin niya ang condominun at di ko alam kung patuloy siyang nag bibiktima nang mga kababayang pilipina..
Nalaman nang mga naging amo ko ang nangyari sa kin, Tinulungan din ako nang mga tauhan nang Philiphine Embassy para maging mababa lamang ang parusang igagawad saakin . Pinuntahan ako sa Kajang Prison nang mga dati kong amo, at sinabing muli nila kong kukunin at bibigyan nang pag kakataon makapag bagong buhay at ma kapag trabahong muli sa kanila dahil naniniwala silang ang nangyari sa kin ay isang aral na.


Umuwi ako nang pilipinas pagkaraan nang parusang iginawad sa akin, nang bigo at noon ko naalala ang seminar namin sa POEA bago ako mag abroad, malinaw na sinabi nang nag pa seminar sa min ang ganito.
“ Sa pag dating niyo sa mga bansang inyong pupuntahan hindi lang sariling katawan ang dala dala niyo kundi ang pagiging tao at pagiging isang Pilipino,” kayo ang representative namin para malaman nang mga taong inyong pupuntahan at bansang pag tratrabahuan niyo na ang mga pilipino ay may dangal at pag galang sa sarili.”
At this point, parang gusto kong mamatay, anong mukha ang ihaharap ko sa king mga magulang, kapatid at kababayan, pag baba ko nang Ninoy International Airport parang huminto ang mundo ko, ni hindi ko alam kung may sasalubong sa kin. Alam kong ipinaalam nang Consular nang Philippine Embassy ang pag uwi ko sa aking pamilya. Di ko alam kung kaya kong harapin ang kahihiyang binigay ko sa aking mga magulang at kapwa Pilipino. Patuloy ako sa palalakad na blanko ang utak, walang siguradong pupuntahan, habang ang mga kasabay ko sa eroplano ay pawang masasaya at may mga mahal na naghihintay sa kanilang pag labas sa airport, Ang tangi ko lang magagawa nang mga sandaling iyon ay manalangin nang timtim na wag NIYA  kong pababayaan.
Nakakahiya Alvin, na ang katulad ko at nang ilang pang mga Pilipino at Pilipina na nag pupunta sa ibang bansa ang siya pang sumisira nang reputasyon nang bawat Pilipino. Nasa malalim akong pag iisip nang bigla kong narinig ang pamilyar na sigaw Nakita ko si Dino ang bunso kong kapatid, nakangiti kasama nang buong pamilya ko. Si nanay,

si tatay, Si Nonoy, si Nelda, si Bella at ang makulit na si Dino, ang bunso naming kapatid, kumpleto sila at may placard pang hawak,
“Ate, Miss na miss ka na namin!”
Alvin, di kayang ipaliwanag nang mga salita ang nararamdam ko nang mga sandaling iyon, Tunay na di ako pinabayaan nang ating Dakilang Ama. Hangang sa makarating nang bahay at sa buong isang linggo ay wala akong narinig ni isang salita nang panunumbat sa aking mga magulang at kapatid, sabi nila naligaw daw ako at sila ang daan para muli akong makabalik sa tamang daan. Pagkaraan nang isang buwan pamamahinga ay sumulat ako sa aking mga naging Employer sa Malaysia at sinabi ko sa kanilang naging maganda ang pag tangap sa akin nang aking pamilya. Natuwa sila at sinabing tutulungan nila kong makabalik sa lalong madaling panahon dahil malapit na raw lumabas ang second child nila. Sa awa at tulong nang Panginoon, madaling naiayos muli ang mga papeles ko ngunit kinailangan kong baguhin ang passport ko at pangalan at apilido nang mother ko ang kailangan kong dalhin dahil natatakan nang di maganda ang record ko.
Nang bumalik ako sa Malaysia, taong 1994. Iniwasan ko na ang pag punta sa mga pub, pag day off ko. Simbahan at Philippine Embassy na lang ang pinupuntahan ko dahil nag patuloy ako nang pag aaral sa FWRC (Filipino Workers Resource Center). Pinipili ko na kung sinong kaibigan ang mga dapat kong samahan. Mas inukol ko ang aking panahon sa pag tratrabaho sa bahay, gusto kong magantihan ang mga kabutihan nang mga taong muling nag bigay sa kin nang pagkakataon, at ang aking mga magulang at mga kapatid na tunay na nag mamahal sa kin at handang magtangol.
Pinag patuloy ko ang aking pag aaral sa FWRC. Nakatapos ako nang marami rami ring courses sa bawat taon. Katulad nang Nursing 1 and 2. Reflexology 1 and 2. Mababait at hangdang maglingkod sa Kapwa mga Pilipino ang mga namumuno sa Embassy nang Pilipinas sa Malaysia sa Pangunguna nang mabait na Labor Attache na si Mr. Josephus Jimenez.


Sa ngayon ay nag tratrabaho na ko sa Canada bilang isang Care Giver, kumikita nang malaking halaga. Ang mga mababait kong amo ang tumul;ong sa kin para maging madali ang pag punta ko doon at mapakinabang ang natapos ko sa FWRC. Masaya sila para sa kin at di raw sila nag kamali nang bigyan nila ko nang pangalawang pag kakataon. Bumalik na rin sila sa Paris nang matapos ang kontrata nila dito sa

Malaysia. Patuloy pa rin nila kong sinusubaybayan nang kanilang mga dasal. Napakabait nila at mga tunay na Kristiano. Parati silang may e-mail sa akin at ganon din ako sa kanila.
Sa ngayon ay dalawang taon na ko dito sa Canada at dalaga pa rin. Masaya ako sa trabaho, tapos na rin sa pag aaral ang dalawang kapatid ko na sumunod sa kin at nag tratrabaho din sa ibang bansa. Maalwan nang buhay naming mag anak at may sarili na rin kaming bahay sa isang tahimik na subdivision sa Bulakan.
Sa ngayon ay 35 years na ko pero wala paring nobyo. Hindi naman ako nag mamadali. Kung mag aasawa pa ko o hindi na ay hindi ko pa alam pero “ limot ko na ang kahapon.”
Isa na lang mapait na alala ang lahat na nag dulot sa akin nang gintong aral sa buhay. Sa mga katulad kong nag aabroad o may balak mag abroad tandaan sana natin na sa ating pag yapak sa bansang ating pupuntahan wag nating kalimutan na di lang ating mga sarili ang ating dala dala kundi ang pagiging isang “PILIPINO”.
Sana ang aking kasaysayan ay mag dulot nang gintong aral sa buhay sa lahat nang ating mga kababayan, hindi lamang dito sa bansang Malaysia kung di sa lahat nang bansang ating pupuntahan. Huwag sana nating kalilimutan na tayong mga Pilipino ay may sinumpaan sa ating sarili, sa ating bayan, sa pamahalaan at higit sa lahat sa ating Bansang Pilipinas.
“Ang Mamatay nang dahil sa iyo”………
Patnubayan nawa tayo nang DAKILANG AMA at sanay maunawaan nang lahat nang ating kababayan na ang pag punta natin sa ibang bansa ay upang umunlad ang buhay at mabigyan nang magandang kinabukasan ang ating mga pamilya. Sa lahat nang ito, wag natin kalilimutan na tumawag at magdasal sa KANYA.
Maraming salamat at lubos na gumagalang,


Ronelda Fabian

No comments:

Post a Comment