Sunday, May 30, 2010

RAFUNSEL ( give me your lambat)

Dearest Vit,

Ang susunod kong ikukwento sa inyo ay tungkol sa kapitbahay kong Pilipina dito sa Malaysia. Si Flora Cabico.

Sa ganitong sitwasyon po kami nag umpisa at kung paano siya naging si Rafunsel.
Kasalukuyan po akong nag wawalis sa aming bakuran. Medyo natatawa na naman ako sa kapit bahay kong D.H. din pareho ko. Matagal ko na siyang nakikita , may three years na.. May kapayatan at malaki ang mata, Di naman siya pangit, pero di rin matatawag na maganda, parating nakabungisngis at mahilig mag sign language. Napapansin ko madalas sarado ang kanilang bahay. Minsan inaabot nang dalawang buwan walang tao. This few days parati na sila doon nang amo niya, pero kahit kailan di nag salita. Akala ko nga nong una pipi eh. Panay lang senyas, tinuturo yung amo niya nag babasa nang newspaper. Kaya nga natuto ko bumasa nang simpleng sign language at mag sesenyas din.
Isang araw sumigaw ba naman nang pagkalakas lakas. “ Pilipina ka?” Kasalukuyan kong tinatapon ang mga natuyong dahon sa labas nang bakuran namin. Malakas kasi ang ulan at hangin nang sinundan gabi kaya napakarami na namam mga dahon sa may bakuran na kung di ko tatangalin agad ay liliparin sa kanal at ako rin naman ang mahihirapan maglinis. “Oo naman, tagalog na nga usapan natin eh.” “Mukhang lumabas boses mo ah, wala ba amo mo?” Tanong ko sa kanya. “Wala naman parati yun eh, ako lang madalas dito, pasigaw niyang sagot. Nandun kasi siya sa 2nd floor nang terrace nila. Magkatabi lang bahay namin. ( sa mga amo pala naming bahay to be exact) . “ayun naman pala eh, ikaw lang mag isa diyan bumaba ka dito nang di tayo nagsisigawan, nakakahiya sa mga nagdadaan, baka sabihin para tayong orang asli rito na sigawan nang sigawan” bakit bihira kita makita?” Tanong ko sa kanya. Sabi niya pag umaalis daw mga amo niya ay kinukulong siya sa loob nang bahay o kaya ay iniiwan sa kapatid nito o sa kaibigan at doon siya mag tratrabaho. Mag asawang Insik mga amo niya at may dalawang anak na binata at nag aaral sa ibang bansa.


Yung panganay nasa Australia at yung pangalawa ay nasa Hongkong. “Di ba bawal ang ilipat ka sa iba pag wala ang amo para dun mag trabaho?” tanong ko sa kanya. “may bawal ba sa mga amo pag gusto. Buti na lang wala na rito yung kapatid niya. umalis na, nag immigrant na sa Australia. Yung kaibigan naman niya kumuha nang stay in na katulong. Indonesia,. Kaya di na rin ako dinadala doon”. “Ganyan talaga mga insik na amo”, sabi ko wala silang tiwala sa katulong. Sabagay di naman lahat. Kasi ang mga amo ko, mabait at may tiwala sa akin. stay out sila at sa gabi ang uwi kasama na ang dalawang batang alaga ko na nag aaral sa Chinese School. Pang umaga ang 2 bata pero nag sstay sa school maghapon dahil after class ay may tuition pa sila. Dun na rin ginagawa ang mga homework kaya pag uwi ay puede na silang maglaro o manood muna nang t.v. bago matulog. Kahit maghapon wala sa bahay ang mga amo ko ay di naman ako nagpapabaya sa trabaho at sa bahay. Sabi niya di puede siyang makalabas dahil nakakandado ang bahay nila. Swerte nga lang daw at nakalimutan nang amo niya na isama sa bungkos nang mga susi ang susi nang terrace kaya nabuksan niya ang lock nito. Kung hindi nasa loob siya nang bahay hanggang sa dumating ang mga amo niya. “ Napaka walanghiya naman pala nang amo mo”. “Ilan taon ka na ba diyan at wala pa rin tiwala sa iyo”. Sabi niya tatlong taon na siya sa mga amo niya. Nakaisip ako nang paraan, “eh yung gate niyo may susi ba”. Tanong ko sa kanya. Sabi niya puede raw mabuksan dahil na ka dikit sa pader ang pina ka control. Tinapos ko ang mga ginagawa kong pagwawalis at lumipat ako sa kanila. Binuksan niya ang gate nila at ipinasok ko ang ladder namin na puedeng pahabain hanggang terrace para makababa siya. Balak ko kasi tumawag kami sa Philipphine Embasy at ireklamo ang mga amo niya. Aba di biro ang ikulong ka nang mga amo mo sa loob nang bahay. Lalo na at minsan dalawang buwan bago umuwi.. Madalas kasi ito mag travel ayun kay Flor. “Walang hiya” Pahabain mo pa yang buhok mo para di na tayo gagamit nang ladder. Habang bumababa siya sa ladder na dala ko. Hanggang baywang niya ang buhok niyang itim na itim at medyo kulot. Para ikaw na si Rafunsel. “Hahaha!” Tawa naming dalawa. Pinapasok ko siya sa loob nang bahay nang mga amo ko. Ang bahay dito ay row house kung tawagin.


Iisa ang mga style kaya pag pasok sa loob ay halos parepareho. Magkakaiba lang nang mga appliances at pag aayos. Uminon kami nang kape at nag kakwentuhan.
“Grabe yang amo mo. Iniwan ka nga mag isa sa bahay, mababaliw ka naman sa lungkot. “ pababayaan ka naman pala masunog nang buhay sa loob nang bahay, bawal yan ganyan, kasi anything happen, di ka makakatakbo.” Wika ko sa kanya. “actually, di naman totally ako nakulong eh”, pinakita niya sa akin ang isang brown evolope na naka plaster ang halos kabuuan at may mga nakasulat at pirma sa pagitan nang pagkakalupi. “Nakalagay sa brown envelope lahat nang susi nang bahay”“If anything emergency puede ko sirain ang envelope at gamitin ang susi, wala pa naman nangyayaring emergency eh, kaya di ko magalaw ang susi. Mahaba nitong paliwanag. Di rin puede ipa duplicate ang mga susi dahil may pirma nga ang amo niyang babae sa envelope kaya di puedeng punitin ito at idikit uli.
Tinulungan niya ko mag linis at mag punas nang mga appliances sa loob nang bahay habang panay ang kwento niya.. Wala rin siyang gaanong kaibigan dahil ayaw nang amo niya na makipag usap siya kahit kanino. Kahit abutin ang amo niya nang isa hanggang dalawan buwan sa ibang bansa eh bihirang tumawag sa bahay dahil alam nilang di ito makakalabas. Minsan nga daw para na siyang nababaliw na. Pati ang pusang pumapasok sa may kusina nila eh kinakausap na niya. Pati ang palakang ligaw na tumatalon talon sa may pinaglalabahan niya. Swerte na nga lang at nang araw na iyon at nakalimutan isama ang susi nang terrace sa lumpon nang mga susi sa envelope bago ito pina ikutan nang mga plastic tape. Ang isa pang weird sa ugali nang amo niyang babae ay ayaw siyang pasagutin sa landline pag nag ring ito. Baka raw may masagot siyang wrong number at makipagkilala. Nag fafax lang ito pag uuwi na kinabukasan para mapalitan niya ang bedsheet at makapaglinis mabuti.
Niyaya ko siyang lumabas sa groceries sa labas. Medyo takot pa, “don’t worry walang mag susumbong sa iyo dahil dito di tulad sa Pilipnas na halos lahat nang tao eh mag kakakilala” . “Walang pakialamam ang mga tao dito, kaya kahit magkakapitbahay di halos magkakakilala”. Para siyang bagong salta nang lumabas kami. Town area kasi ang lugar namin kaya pag labas maraming Groceries like Savemart Store at 7/11 at ordinary restaurant.

May day off naman siya once a month, kailangan muna niyang tapusin ang mga trabahong bahay kaya nakakalabas lang siya nang 10.00 a clock nang umaga at babalik nang alas 6:00 nang hapon. Pag nandiyan lang ang mga amo niya siya puedeng lumabas. Sabi ko sa kanya mula ngayon puede ka nang lumabas at masikatan nang araw. Pinaduplicate namin ang susi nang terrace sa isang shop na nadaanan namin. “Di makatao ang ugali nang amo mo. Kaya dapat gumawa ka nang paraan. Baka isang araw pag balik niya diyan eh baliw ka na. Di biro ang ginagawa niyang pag kulong sa iyo.” pano ang mga basura niyo na naiipon at pagkain mo?” Pabalik na kami sa amin at nagpabalot na lang kami nang aming kakainin. “Wala naman masyadong basura,” “ang pagkain ko naman puro de lata at Maggie mee, may iniiwan ilang pirasong isda. Di ko naman binubuksan ang television dahil natatakot akong masira”. “Pati nga cellpon ko eh tagong tago talaga ang gamit ko naka silent saka lagay ko pa sa loob nang punda nang unan ko” salaysay pa niya habang kumakain kami nang chicken rice. Panay ang ngiti ko sa kwento niya, bago kasi sa pandinig ko yun eh.
Marami kaming napag kwentuhan ni Flor, magaang ang loob ko sa kanya. Nanood pa kami nang tagalong show sa t.v. na San ka man narororon na ang bida ay si Grethen Barreto. Tinulungan din niya ko mamalansiya kaya kahit nag kukuwentuhan kami nakakatapos ako nang buong trabaho.
The next day ay maaga pa sa terrace si Flor. Nakaabang sa pag pasok nang mga amo ko sa opisina. Dala ko agad ang ladder at dumaan na naman siya sa terrace para makababa. Maghapon kwentuhan uli kami habang nag tutulungan sa paglilinis nang bahay at pagpapalit nang mga kurtina. Nalaman ko na ulila na siya sa mga magulang. Ang sweldo niya ay Rm. 1000.00 pero walang naiipon. Tinutulungan niya ang kanyang kuya Pilo sa pag paparal sa kanyang tatlong pamangkin. Kawawa naman daw ang kapatid niya, nag sasaka lang sa Pangasinan at yung hipag naman niya ay walang ginawa kundi manganak. Tatlo na ang anak at buntis pa sa ikaapat . “ aba, Flor may sarili ka rin buhay, hindi puedeng sila na lang ang aasikasuhin mo at di mo na bibigyan pansin ang sarili mo”. “kaso nga ni nobyo wala ako eh, asawa pa”. Buntunghininga niyang salita. . Mahirap di siguro siyang mag ka nobyo sa ngayon dahil may idad na rin siya at di naman kagandahan.


Sabi ko, wala yan sa pang labas na anyo. Nasa puso at kalooban ang tunay na kagandahan nang isang tao.
“Mahirap lang kami sa pangasinan” “Dalawa lang kami mag kapatid ni kuya pilo”. “maaga kaming naulila, namatay tatay ko nang magkasakit sa baga, sobra kasi sipag, kahit may ulan sigi pa rin bungkal sa lupa. Si nanay naman namatay bago ako mag abroad. Nahulog sa hagdanan namin, tumama ang ulo sa baldosa, nabagok di na umabot sa hospital” kaya para makatulong sa kuya Pilo, eto nag abroad ako, ayaw ko kasi danasin nang mga pamangkin ko ang dinanas naming magkapatid. Namatay sa hirap at sobrang trabaho ang mga magulang ko. Malungkot niyang kwento sa akin. “Kahit na, mag ipon ka rin para sa sarili mo “ . sabi ko sa kanya”. “Bago ako nag abroad may trabaho ako sa pagawaan anng mga sapatos, then nag sisideline pa ko sa direct selling. Pero wala rin eh. Ang hirap talaga nang buhay sa Pilipinas, kaya nag apply na lang ako dito sa Malaysia. Naawa kasi ko sa kuya ko, daming anak” dugtong pa niya. Sabi ko sa kanya di masamang tumulong pero kailangan din niyang mag ipon para sa sarili niya.
Nang bumalik ang kanyang mga amo ay bumalik kami sa sign language, pangiti-ngiti at pakindat kindat. Nag text siya na tatlong buwan di aalis ang amo niyang babae dahil may nakuha na itong assistant na puedeng mag travel nang di na ito kailangan pumunta pa sa ibang bansa. Sabi ko sa kanya tiis ka na lang muna. Ganyan talaga ang impotante may susi ka na nang terrace.
Parati siyang kasama nang amo niya kahit saan ito pumunta. Para kaming di magkakilalang dalawa pag nagkikita. Nag text siya na pinayagan siyang mag day off kaya sabay kami lumabas nang araw nang Linggo. Hinintay ko na siya kahit tanghali na siya nakalabas. Sabay na kami sumakay papuntang Kuala Lumpur. Mag papadala siya nang pera dahil nag text ang kapatid niya na kailangan nang mag bayad sa tuition fee nang kanyang panganay na pamangkin. Sabi ko na mag tira siya nang para sa kanya. Mahirap kako na wala man lang siyang naiipon para sa sarili niya. “ Di naman lahat nang oras malakas tayo, paano kung bigla tayong mag kasakit at kinailangan umuwi sa Pilipinas. Papano ka? Asikasuhin ka kaya nang mga pamangkin mo? Tanong ko sa kanya.

Pumasok na ko sa Klase ko sa FWRC at nag hiwalay muna kami. Di kasi siya student dahil wala nga siyang permanent day off. Ayaw naman niya sumama nang niyaya ko sa loob. “Maboboring lang ako” “mag kita na lang tayo uli sa bus stand pag pauwi na tayo”. wika niya. Marami siyang pinamili nang pauwi na kami. Sabi niya aalis uli amo niya next month kaya magiging si Rafunsel na naman daw siya. Sabay hagikhik.
Pagka alis nang mga amo niya para pumunta nang China, nakita ko si Flor na nag lalambitin pababa sa terrace nila gamit ang isang mahabang lambat na parang hagdan ang pagkakagawa. Tinignan ko kung matibay ang pagkakatali at may kasama pang parakyut na protection in case na mahulog siya. Nag hanap daw siya nang mga ito noong sabay kaming lumabas sa may Central Market at Petaling Street at nag tanong kung pano ang paggamit.
Mula noon di na siya gumagamit nang ladder. Masaya na si Rafunsel ( naging tawag ko sa kanya) at naging palatawa. Minsan nga di ko na namamalayan kung saan-saan siya nagpupunta. Hindi na nag papalam. Makikita ko na lang nakabihis. Madalas ko siya makita na sakay nang taxi at may iaabot sa king pag kain. Pasalubong ko raw. May ron na raw siyang partime sa may malapit sa Jalan University. Bahay din at per oras ang trabaho. Sayang naman daw ang kikitain at oras kung di siya mag tratrabaho. Laki nga nang pasasalamat sa akin dahil kung hindi ko raw siya tinulungan na makaisip nang paraan baka hanggang ngayon nakakulong pa rin siya sa loob nang bahay at tuluyang napipi at nakikipag usap sa pusa at palaka.
Na stroke ang tatay nang amo kong lalake, kaya kinailangan ma confine sa hospital. Naging busy na ako. In and out of the hospital ang matanda Mahal kasi pag kumuha pa sila nang private nurse para mag bantay sa matanda. Pagod na pagod ako pag dating sa bahay. Bukod pa sa napakaraming naiiwan trabaho na ako rin halos ang gumagawa. Tatlong oras lang halos ang tinutulog ko dahil kailangan ko pang mag bantay sa hospital pag gabi. Paralized na kasi si Lolo kaya napaka bigat. Lalo na pag kailangan paliguan. Nurse nga ang gumagawa pero di kaya nang isang tao lang. Napaka hirap mag alaga lalo na at may mga personal na kailangan linisin katulad nang mga sugat na halos namamaho na. Diabetic kasi at semi private lang ang hospital na kinalalagyan niya. Lalo na at sa tube lahat dumadaan ang kinakain at iniinon niya. Di rin naman kasi napakayaman nang mga amo ko. Kailangan din nilang mag trabahong mag asawa para makasabay sa standard nang buhay.

Nag iisang anak lang din kasi ang amo kong lalaki kaya wala siyang kapatid na puedeng makatulong sa mga financial na gastos. Lalo na at napakamahal nang mga gamot lalo na ang mga anti-biotic.
Di naging madali ang pag aalaga kay Lolo, talagang pinahirapan siya nang sakit niya. Kailangan pang putulin ang kaliwang binti niya dahil sa ganggreen infection. Kaya lalo kaming naging busy pagkatapos niyang operahin. Tumagal pa kami sa ganong sitwasyon, anim na buwan pa bago binawian nang buhay si Lolo.
Maraming seremonya ang libing nang Insik, Kailangan pa mag suot nang t-shirt na puti ang mga kamag anak, bukod pa sa mga inarkilang banda nang musiko. Masyado akong napagod nang ilang buwan. Binigyan naman ako nang kaunting halaga nang mga amo ko at nagpapasalamat sila sa panahong inalagan ko ang matanda. Natutuwa sila sa akin dahil wala silang narinig na reklamo simula pa nang magkasakit si Lolo at namatay. “Youre very good and very patient, thank you for taking care of my father” sabi nang amo kong lalake.
Halos nawala na sa isip ko si Rafunsel, Di ko na rin kasi nababasa ang mga text niya, mabasa ko man halos di ko na rin masagot. Kaya nang maging normal na uli ang lahat. Binisita niya ako. Sanay na sanay na siyang dumaan sa kanyang hagdanang lambat. Ang laki na nang pinag bago niya. Masaya, mataba, makwento, mahilig na rin magbihis nang mga seksi. Iba na rin ang kislap nang kanyang mga mata. Napansin ko pa na halos araw araw ay umaalis siya nang bahay at hapon na dumarating, “san ka ba nagpupunta” “Wala naman masyadong Pilipina sa K.L. pag ordinary day” sabi niya, minsan daw nanonood siya nang sine, o nag wiwindow shopping. Wala naman daw problema dahil namamaintain niyang malinis ang bahay at mga appliances. Sabi ko sa kanya. Wag siya labas nang labas. Masama iyon. Okey lang na dito siya sa bahay nang amo ko magpunta pero wag siyang gala nang gala. Mahirap kako dahil pinag titiwalaan siya nang amo niya. Beside nadadalas ang labas niya. “mag ingat ka, baka mapahamak ka, Payo ko pa kay Rafunsel. (Nakasanayan ko na ang tawag na ito kay Flor simula nang naglalambitin siya sa pag baba sa terrace nila.) Sinunod naman niya ang payo ko. Kaya ilang araw din na nasa bahay siya kapag tapos na ang sinasabi niya sa king partime job daw niya, Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari kay Lolo bago ito tuluyan namatay. Kinuwento rin niya ang mga latest happening niya.


May manliligaw daw siyang taxi driver at hiwalay sa asawa, “ may idad na, chinese, around 45 years old na raw siya, pero mukhang mabait naman at parati akong libre sa sasakyan niya. Sinabi rin niya sa kin na may anak siya pero tinangay nang asawa nito nang sumama ito sa ibang lalake. Naaprobahan na rin daw ang divorce paper nila nang mag file ang babae” . Paliwanag sa kin ni Rafunsel. “ ay naku Rafunsel, wag ka basta basta magtitiwala sa mga iyan, madali lang iyan mag buhol buhol nang mga salita. Sinabihan ko na lang siya na mag ingat at wag basta mag titiwala. Parating daw uli ang amo mga niya nang araw na iyon kaya balik behave siya at sign language uli kami.
Araw nang Linggo, nag day off ako at nag padala nang pera by Western Union. June na kasi at enrolment na. 1st year college na ang panganay kong si Cristy at 3rd year high school naman si Tina. Dalawa lang naman ang anak ko at parehong babae. Ang asawa ko naman ay isang security guard sa factory nang mga tela sa may Divisoria at sumasahod lang nang minimum. Dami pa nang tinatangal kaya halos wala na rin matira, bukod pa sa may binabayaran kaming bahay at lupa sa Bulakan. Dito rin halos napupunta ang sweldo ko. Salamat na lamang sa Poong Maykapal at di nagluluko ang asawa ko kahit matagal na kong wala sa Pilipinas. Mahal niya kami at marami kaming pangarap na mag asawa para sa kinabukasan nang aming dalawang anak. Maligaya kami kahit malayo ang aming pagitan. Madalas kaming mag chat na mag papamilya kaya di rin namin nararamdaman ang layo nang pagitan namin. Lalo nga kaming nagiging close na mag anak. Sinasabi ko sa kanila lahat nang nangyayari sa akin dito at ganon din sila sa akin. Pag kapadala ko nang pera ay nag sms agad ako sa kanila nang makuha nila agad ang pera sa authorized dealer. Nag text ako kay Rafunsel kung naka labas siya, pero sabi niya ay nasa bahay siya at masama ang pakiramdam. Dumiretso na ko sa Saint Jhon Church gusto ko naman mag simba bago pa ko tumuloy sa ibang pupuntahan ko. Mag pasalamat sa Panginoon Diyos sa lahat nang biyaya niya at kalakasang binibigay niya sa akin at sa king pamilya. Nakabangga pa ko nang babae sa pagmamadali ko, “ay sorry” sabi ko, pag lingon ko ay nagkagulatan pa kami ni Rafunsel. “kala ko di ka lalabas?” “Saan ka ba pupunta at nag mamadali ka?”nag sinungaling ka pa sa akin na nasa bahay ka at masama ang pakiramdam”. “may bibilhin lang ako.



kalalabas ko lang nang mag text ka”, sabi niya. “okey sabay na tayo umuwi mamayang hapon”. Sabi ko sa kanya bago kami nag hiwalay.
Nang bandang hapon ay nag tetext ako sa kanya para mag sabay na kami umuwi pero di siya nag rereply. Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko. Inabot na ko nang inip sa kakahintay sa kanya kaya nag pasiya na kong umuwing mag isa. Isang babae ang nagmamadali rin na makatawid at nabunggo ako.Nag kagulatan na naman kami ni Rafunsel. “ ano ka ba naman Rafunsel, bakit ka parating nag mamadali at parang iwas na iwas, may problema ka ba?” tanong ko sa kanya. Then from where we are standing, may dalawang Pilipinang lumapit sa kanya at sinabing “ Flor halika na! dali! Baka mag sara na ang clinic ni Doctor at Di na tayo umabot”. Tinignan ko si Rafunsel at namumutla siya. Sabi ko sa kanya mukhang may nangyayaring di ko alam ah. “Mabuti pa umuwi muna tayo at pag usapan muna naming kung ano ang problema”. Nag tapat siya sa kin na buntis siya. Gusto kong magalit sa kanya pero alam kong di iyon ang tamang pag kakataon dahil nandun na ang problema. Pinaalis ko na ang dalawang pilipina at sinabi kong kami na muna ang bahalang umayos sa mga problema niya. Niyaya ko na siyang umuwi. Bumili muna kami nang pregnancy test sa guardian at pinag test ko muna siya sa nadaanan naming palikuran. Positive ang lumabas. “wala na tayong magagawa kundi tangapin yan, dalawang buwan ka na palang di ni reregla”,Sinabi niya na mula nang tawagan niya si Sam ( pangalan nang boyfriend niyang insik na taxi driver) ay di na tumawag ito o nagpakita man lamang sa kanya. Gusto ko tuloy sisihin ang sarili ko dahil kung di ko pinaduplicate ang susi nang terrace di sana naging Rafunsel si Flor na kailangan pang mag lambitin sa lambat para lang makababa. Pero andun na nga iyon eh, buntis na siya at ang ama eh mukhang tumakbo na. Sabi ko sa kanya, wag na niyang ipalaglag. May mga dahilan lahat ng nangyayari. Ito na kako ang time na kailangan niya ang pang unawa, malasakit at tulong nang kanyang Kuya Pilo at hipag. Sabi ko rin sa kanya na anything happen at di siya matanggap nang kanyang mga kamag anak. Ibibigay ko sa kanya ang address nang kapatid ko at don siya tumuloy. Gumaang na rin ang dibdib ni Rafunsel sa binigay kong assuming na di ko siya pababayaan.



Wala ang kanyang mga amo nang tatlong buwan kaya malaya kaming nagpupunta sa Gyne Clinic Doctor para mag pacheck up malapit din sa aming lugar. Nang Dumating ang kanyang mga amo medyo nagulat tumataba nga siya at lumalaki ang tiyan, pero di nag suspetsa nang kahit ano. Sino nga naman ang mag aakala na nakakalabas siya. Kaya di na lang masyadong binigyan pansin ang kanyang pag taba. Natutuwa pa nga ito dahil kahit kinukulong niya si Rafunsel eh mukhang masaya
Patuloy ang paglaki nang tiyan ni Rafunsel. Sabi ko sa kanya ipag tapat niya sa kapatid niya ang kalagayan niya para pag uwi niya ay di mabigla ang mga ito. Binigyan siya nang vitamin at mga brochure nang mabait na Doctor na regular naming pinupuntahan. Nang muling bumalik ang mga amo ni Rafunsel ay nag paalam na siyang uuwi nang Pilipinas for some emergency reason. Ikalimang buwan non nang kanyang pag bubuntis. Panganay kasi kaya di masyadong halata. Natatawa nga ako pag nag kukwento siya sa akin na pag kinakausap daw siya nang amo niya ay naka kuba ang posisyon niya para di mahalata ang tiyan niya. Sinabihan siya nang amo niya na kailangan niyang mag purga dahil marami siyang alagang bulati sa tiyan. Sabi nang amo niya wala silang magagawa kung gusto niyan umuwi. Pina book ang ticket niya at binigyan siya nang malaking bonus ( 3 month sweldo) dahil napakabait daw niya at di mareklamo. Pinag sabihan pa siyang mag pa check up sa doctor pag dating nang Pilipinas at patignan ang tiyan niya baka may kanser na siya.
Umuwi si Rafunsel nang Pilipinas sa ika limang buwan nang pagbubuntis niya. Nag text siya sa kin na tinanggap naman daw nang mag asawa ang kanyang sitwasyon.. Sabi nang kanyang hipag pag kapanganak niya at gusto niyang bumalik sa Malaysia ay sila ang mag aalalga nang Baby nito. Nalungkot din ako sa pag alis ni Rafunsel. Masaya din naman ang mga pinag samahan namin. Pag walang tao sa kabilang bahay ay para kong nakikita ang kanyang mga paglalambitin sa hagdanang lambat pabababa sa terrace.
Isang hapon ay may nag dorbel sa gate namin. Isang taxi driver. Nag pakilala siya sa kin at hinahanap niya ang kaibigan ko. Sinabi ko sa kanya na umuwi na nang Pilipinas pagkatapos niyang takasan. Wala daw siyang balak na takasan si Flor. Mabait daw ito at totoong mahal niya. Nabangga daw ang taxi niya nang gabing ihatid niya ito. Masama ang naging lagay niya, buti na lamang at nabuhay pa siya. Matagal daw siyang nakabalik sa Kuala Lumpur dahil doon siya nag pagaling sa home town nila. Ang kasama niya lang ay ang kanyang ina na may sakit na kanser.


Nadagdagan pa ang problema niya nang mamatay ito. Inilaban niya ang kaso niya sa naka banga sa kanyang taxi. Siya raw kasi ang nasa tamang daan nang biglang mag u-turn ito at mabangga siya. Palibhasa mayaman at politician ang nakabangga sa kanya. Labis daw siyang nag aalala kay Flor dahil alam niyang buntis ito at siya ang ama. Nanlulumo si Sam na patuloy na nagkukwento sa sin nang pahapyaw. “ My wife was leave me and go with another man. She bring my son also. That why when Flor told me that shes pregnant I’m very happy. Im on the way here to talk to her personally when I got the accident” sabi pa ni Sam. Sinabi ko sa kanya lahat nang nangyari pati na rin ang balak sana ni Flor na pagpapatanggal sa pinag bubuntis. Wala daw siyang balak lokohin si Flor.
Tamang tama naman na nag renew ako nang aking contract for another year at puede akong mag bakasyon with pay. Kaya sinabi ko sa kanya na sabay na kaming umuwi para magkita na sila ni Flor o Rafunsel.
Masayang masaya si Flor nang salubungin kami sa airport kasama nang kanyang kuya at hipag. Di siya makapaniwalang susundan siya ni Sam. Dalawang buwan na ang sanggol at kamukhang kamukha ni Sam. Singkit din at may pag ka tisoy. Sa madaling sabi guapito. Nagpakasal ang dalawa sa Pilipinas at nag iwan din nang kaunting halaga ang mag asawa sa kanyang kuya Pilo at ate Helen. Nangako kay Rafunsel ang kanyang kuya Pilo na huli na talaga ang bunso miyang pamangkin dahil magpapaligate na ang kanyang hipag.
Umuwi ako sa aking pamilya. Napakasaya nang feeling nang nakatulong ka sa iyong kababayan at nakasalba nang buhay nang isang sanggol. Kinuwento ko sa aking pamilya ang naging papel ko sa buhay ni Rafunsel at sabi nang aking mahal na asawa, mahiwaga talaga ang buhay nang tao. May mga dahilan ang lahat. Natutuwa din siya sa sanggol na si Samuel. Bininyagan muna ang anak nila Sam At Flor bago kami bumalik papuntang Malaysia. Kasama ko rin ang buo kong pamilya dahil pumayag ang mga amo ko na mag tourist sila dito nang makita naman nila Ang aking buhay at pakikipag sapalaran sa ibayong dagat. Tuwang tuwa din ang aking dalawang dalagita dahil nakita nila at napuntahan ang magagandang tourist spot na sa mga picture ko at magazine lang nila nakikita dati. Mabait ang mag asawang amo ko. Bilang bonus sa aking matapat na paglilingkod sa kanila at sa ginawa kong pag alaga sa aming matanda ay pinabayaan nila kong mag stay kasama nang aking pamilya sa hometown nila Sam at Rafunsel sa Perak, Ipoh.

Masayang masaya kaming mag-anak at magkaibigan sa pinakamagandang bakasyon na aking naranasan dito sa Bansang Malaysia kasama nang aking pinakamamahal na pamilya.
Pag karaan nang isang buwan bakasyon dito ay bumalik na sila nang Maynila.
Si Rafunsel at Sam, kasama ang kanilang bundle of joy ay nag stay na sa Perak at inaayos pa rin niya ang sinampa niyang kaso sa kanyang pagkakaaksidente.
Ang dating mga amo ni Rafunsel ay binebenta na ang bahay at lilipat na raw sa mas malaki. Ayon sa mga nakausap kong tumitingin. May nakapaskel na kasing for sale.
Binisita ako nila Rafunsel, sakay nang taxing minamaneho nang kanyang asawa. Malaki laki na rin si Samuel. Nakita nila ang nakapaskel na for sale sa harapan nang bahay nang dati niyang amo. “ actually mare”, tawag niya sa akin. Inaanak ko kasi si Sam, kaya naging magkumare kami. “naghahanap kami nang bahay around K.L. naipanalo na nang asawa ko ang kaso at nakatangap kami nang malaking halaga. Kaya balak naming bumili na lang nang bahay dito. “ano kaya kausapin ko ang dati kong amo at sa kin na lang ibenta ang bahay”. Tama naman may humintong sasakyan. Ang dating amo ni Rafunsel. Nagulat pa ito dahil may hawak hawak siyang bata.. “oh, you come nback again? How are you? Where are you working now? Wow so cute this baby? Where is your employer? Sunod sunod na tanong sa kanya nang kanyang dating amo.
Si Sam ang nag pakilala sa kanilang mag ina. Sinabi niya rito na mag asawa sila at ang baby ay anak nila. Nag usap sila sa wikang mandarin. Nagulat ang dati niyang amo at halos di makapaniwala. Di man aminin takang taka ito kung bakit nag kaanak si Rafunsel, paanong nang yari at saan nang yari. Ganon pa man sinabi rin ni Sam na interesado silang mag asawa na bilhin ang bahay, mayron daw silang pambili dahil naipanalo niya ang kaso niya sa pag kakaaksidente niya. Beside, ibebenta na rin nilang mag asawa ang bahay nila sa Perak, napakalayo daw noon at gusto nilang mag asawa na sa K.L. na pumirmi. . Mahalaga raw sa kanya ang manatili sa K.L. dahil taxi driver siya at sarili niya ang taxi.
Takang taka man sa mga natuklasanan ang kanyang dating amo ay di rin makuhang magtanong kay Rafunsel kung pano nito nakilala ang taxi


driver at kung pano sila naging mag asawa. Ganon pa man iginalang na lang niya ang sitwasyon

Naging kapitbahay ko si Rafunsel. Sila ang nakabili nang bahay nang dati niyang amo. Binigyan na rin sila nang discount dahil luma na ang bahay at marami na rin kailangan ipa ayos. Isa pa naging maganda rin naman ang relasyon ni Flor or Rafunsel sa kanyang mga amo nang siya pa ang katulong nila. Labis ang pasasalamat sa kin ni Rafunsel dahil di natuloy ang plano niyang pag papalaglag kay Samuel. Sabi ko may dahilan ang lahat. “Walang nakakatalos sa isipan nang higit na makapangyarihan sa lahat”.
Sinabi ko rin sa kanya na di siya pangit, ang kagandahan ay nasa tunay na kalooban at laman nang puso. Ito ang nakita nang kanyang asawang si Sam sa kanya.
Mahilig pa rin mag sesenyas si Rafunsel pag nasa terrace siya at nag sasampay nang mga baru-baruan ni Samuel para matuyo agad. Sabay hagikhik. Nasa ibaba daw ang kanyang mag ama. Nag babasa nang newspaper si Sam at si Baby Samuel naman daw ay tulog.

Minsan nag wawalis uli ako nang mga tuyong dahon, bigla ba naman sumigaw nang pagkalakas lakas, “ ano ka ba namam, Rafunsel, kanina senyas ka nang senyas ngayon naman biglang lumabas boses mo” “ano bang sinasabi mo? Di ko maintindihan”.wika ko sa kanya.

“ mare, naku! Masusundan na si Samuel!!!”



P.S.

Iyan po ang story nang isa natin kababayan dito sa Malaysia na si Flor Cabico na naging si Rafunsel. Ang kanyang nakakatuwang paglalahad nang kanyang kasaysayan. Mga totoong pangyayari na nagaganap hindi lamang dito sa bansang Malaysia kundi sa ibat- ibang lupang dayuhan.


Lubos na gumagalang at nagpapasalamat,

No comments:

Post a Comment